^

Punto Mo

EDITORYAL - Tapusin ang BIFF!

Pang-masa

SABI ng spokeperson ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Abu Misri Mama, hindi raw sila susuko. Mamamatay daw silang lumalaban. Hinamon pa niya si President Noynoy Aquino at mga senador na dumampot ng baril at harapin sila. Hindi raw sila natatakot kahit­ na gaano pa karaming tropa ng gobyerno ang sumalakay sa kanila. Mananalo raw silang tiyak sa pakikipaglaban. Noon daw salakayin sila sa panahon ni President Joseph Estrada, kaunti lang ang nalagas sa kanila samantalang marami sa mga sundalo. Nangamoy bangkay ang hangin sa Maguindanao dahil sa dami ng namatay na sundalo.

Noong nakaraang linggo pa naghahamon ang spokeperson ng BIFF at tila walang makapi­pigil sa kanyang pagsasalita. Sabi niya, hindi raw isasauli ng BIFF ang mga baril na kinuha nila sa mga namatay na Special Action Force (SAF) commandos. Bakit daw nila ito isasauli e hindi naman nila ito hiniram. Kung gusto raw makuha ang mga baril ng SAF, kailangang magkaroon ng rematch. Kung baga raw sa boksing na-knockout na nila ang kalaban kaya bakit nila isasauli ang mga armas. Handa raw sila sa rematch.

Mabigat ang hamon na ito ng BIFF at hindi dapat palampasin ng gobyerno. Kakaunti lamang ang BIFF at madaling malilipol. Magiging katawa-tawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ilalampaso sila ng BIFF. Patunayan ng AFP na mas malakas sila at mas kumpleto sa kaga­mitan. Huwag hayaang maulit ang nangyari sa SAF 44 na walang awang pinatay ng MILF at BIFF noong Enero 25.

Sabi ni AFP chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang, poprotektahan nila ang mamamayan na sinasalakay ng BIFF. Marami raw silang nata­tanggap na report na sinusunog ng breakaway group ang mga bahay ng sibilyan. Hindi na raw nila tatantanan ang BIFF. Tuluy-tuloy na ang opensiba.

vuukle comment

ABU MISRI MAMA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

GREGORIO PIO CATAPANG

NILA

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with