^

Punto Mo

Allergy tips para sa iyo

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MARAMI nang lumiham sa akin para humingi ng payo tungkol sa kanilang allergy. Laging inuubo, nangangati ang lalamunan, namumula ang mata at nahihirapang huminga. Malamang allergy iyan. Ang iba naman ay namamantal ang katawan, at bahing nang bahing. Allergy din iyan.

Alam ko kung bakit napakaraming Pinoy ang may allergy. Maalikabok at marumi kasi ang paligid. Ang allergy ay nanggagaling sa mga dust mites, isang insekto na laganap sa ating bahay. Nakaka-allergy din ang alikabok, halaman, hayop, usok, pabango at ibang pagkain. Heto ang mga dapat nating gawin:

Maglinis, maglinis, at maglinis – Labhan linggu-linggo ang bedsheet, unan at kumot. Ibilad din ang mga ito sa araw para mamatay ang mga mikrobyo at insekto.

Alisin ang mga carpet at rugs dahil napakabilis nitong kapitan ng alikabok.

Tanggalin ang mga kalat sa bahay – Kung hindi naman kailangan, bawasan ang gamit sa bahay tulad ng bulaklak, halaman, libro, display, at iba pa. Ilagay ang mga lumang baro sa loob ng plastic at itago sa drawer.

Alisin ang mga hayop – Ang balahibo ng pusa at aso ay nakaka-allergy. Kung gusto ninyo talagang mag-alaga ng hayop, ihiwalay sila sa bahay.

Umiwas sa mga damo, halaman at puno – Lalo na kapag tag-init, diyan naglalabasan ang pollen ng mga bulaklak. Marami ang bahing nang bahing dahil dito.

Walang maninigarilyo – Bawal ang usok at sigarilyo sa bahay. Bawal magsunog ng basura. At bawal ding gumamit ng kalan de kahoy o uling.

Alamin ang mga pagkaing nakaka-allergy – May taong allergic sa hipon, manok o itlog. Puwedeng magpa-check up sa isang Allergologist para malaman kung saan may allergy.

Maligo araw-araw lalo na sa gabi.

Mag-ingat sa mga pabango, lotion at sabon. Suriin kung hypo-allergenic ang mga ito.

Magsuot ng face mask – Puwedeng bumili ng face mask para mabawasan ang nalalanghap na dumi.

Gumamit ng aircon kung may pera. Napakalaki ang tulong nito. Sumubok din ng air filter. Pumili ng isang kuwarto sa bahay na malinis talaga at manatili rito.

At kung malala na ang nararamdaman, uminom ng gamot na pang-allergy tulad ng Diphenhydramine tablet o syrup, o Loratadine 10 mg tablet once a day. Magpakonsulta sa isang Allergologist na doktor. Good luck po!

 

ALAM

ALAMIN

ALISIN

ALLERGOLOGIST

ALLERGY

BAWAL

KUNG

PUWEDENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with