^

Punto Mo

Manong Wen (46)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAGPAKAMATAY daw si Gemma ayon sa nakausap ko na isang nurse din sa ospital,” sabi ni Jo.

Gimbal si Princess.

“Ano raw pong ginawa?’’

“Nagbigti raw. Natagpuan daw sa kuwarto nito nakabitin.’’

“Nakakakilabot naman ng nangyari.’’

“Wala nang iba pang si­nabi ukol sa pagpapakamatay at hindi na ako nagtanong pa ukol kay Gemma.’’

“Pero alam po ba ng kasamahan ni Gemma na naging mag-live in kayo.’’

“Hindi ko alam. Baka hindi niya ipinagsabi dahil “mahiwagang babae” si Gemma. Baka ang pinakilala niya ay yung si Arthur.’’

Napatango na lang si Princess.

“Sabagay hindi naman mahalaga sa akin kung ipakilala niya ako o hindi sa mga kasamahan niya. Ang naisip ko nang mga panahong iyon ay nakaganti na ako sa mga taong dumungis sa aking pagkatao. Nakaganti ako na hindi narumihan ang aking mga kamay.’’

“Oo nga po. Kung napatay mo po ang lalaki at si Gemma ay baka nakakulong ka ngayon.’’

“Posible ‘yun. Baka nga pinugutan ako ng ulo. Kung nangyari iyon e hindi na sana tayo nagkita.’’

“Oo nga po. Wala sanang tutulong sa amin ni Precious ngayon.’’

“Iyon ang dahilan kaya hindi ko nagawang dalawin o bisitahin si Manong Wen dito. Masyado akong naapektuhan ng ginawang panloloko ni Gemma.’’

“Ah, yun po pala ang dahilan.’’

“Oo. Pero siguro kung nagawa kong dalawin si Manong Wen baka napayuhan niya ako. Naniniwala kasi ako sa husay ni Manong Wen. Lahat nang sabihin niya dapat sundin at paniwalaan.’’

Nakatingin si Princess kay Jo. Hanggang sa may luha na tumulo kay Princess.

(Itutuloy)

AKO

ANO

GEMMA

HANGGANG

MANONG WEN

OO

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with