^

Punto Mo

Manong Wen (44)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IPINAGTAPAT ni Gemma ang lahat nang mga kasalanan sa akin. Hindi raw totoong namatay ang kanyang ina at hindi rin totoong may nakasanglang lupa. Matagal na raw patay ang kanyang ina! Napa-putang ina ako nang marinig ang sinabi niya. Kaya pala wala siyang maipakitang retrato ng libing ng kanyang ina ay dahil wala naman talagang namatay at nilibing. Talagang niloko niya ako para makahingi ng pera.

“Nang tanungin ko siya kung saan ginamit ang ma-laking pera na binigay ko na halos P100,000, sinabi niyang ginamit nila ng lalaki --- ni Arthur sa pamamasyal. Nagtungo sila sa Boracay, Palawan, Vigan, Bohol at iba pang sikat na pasyalan. Halos araw-araw ay lumalabas sila at kumakain sa mga restawran.

“Pagtatapat pa ni Gemma, nang maubos ang pera, bumalik na siya sa Saudi. Pero may bago pala silang balak sa akin. Kukuwartahan uli ako para naman magamit na pang-placement fee. Nag-aaplay na pala ang walanghiyang si Arthur at ang kulang na lang ay ang placement fee. Ang plano nila, kapag nasa Saudi na ay magpapakilalang magkapatid sa akin. Ang ibinayad na pam-placement fee ay ang ibi­nigay ko na pangtubos ng nakasanglang lupa umano. Mahigit na P100,000 ang naibigay ko sa kanya.

“At kaya pala ayaw niyang pakasal kami ay dahil mayroon na silang usapan ng hayop na si Arthur. Ako ay gagamitin lang nila. Uubusin ang pera ko at pagkatapos ay unti-unting papatayin. Sinabi ni Gemma, na gagawin iyon sa akin kapag daw nakuha ko ang aking separation pay. Magkukunwari raw si Gemma na payag na kaming pakasal kaya magpi-finish contract na ako, once na nakuha ko na ang aking malaking separation pay ay isasagawa ang pagpatay sa akin. Palalabasin na nagbigti ako…’’

Halos hindi kumukurap si Princess sa pagkakatingin kay Jo. Masyadong nagimbal sa nalaman.

“Napakasama po pala ng Gemma na iyon!”

“Talagang masama. Sobrang sama!”

“Ano pong nangyari pagkatapos.’’

“Matapos kong malaman ang lahat, pinalayas ko si Gemma sa bahay, pero wala siyang dadalahin na anumang gamit. Ako ang bumili ng mga gamit kaya wala siyang karapatan dun.’’

(Itutuloy) 

AKO

ANO

BOHOL

BORACAY

GEMMA

ITUTULOY

KAYA

KUKUWARTAHAN

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user