Makapangyarihan ang nasa langit

Talagang ang Diyos makapangyarihan

nagagawa Niya ulang magdamagan

at ito’y naganap sa aming tahanan

nitong Agosto 2 aming naramdaman!

 

Buhat sa San Pedro kami ay nalipat

sa bagong tahanang malaki’t matatag;

dito ay naganap ang ulang magdamag

salamat sa Diyos sa baha ay ligtas!

 

Ang patak ng ulan sa aming bubungan

ay naririnig kong malakas panayan;

sa bintanang bukas may screen nga lamang

kaya ang ampiyas ay nagpapasukan!

 

magdamag ang ulan wala namang bagyo

kaya sa palayan kailangan ito;

tagtuyot sa bansa ay malayo dito

salamat sa ulan sasagana tayo.

Show comments