^

EDITORYAL - Sige, pagtulung-tulungan ang kampanya sa FOI bill

(Pang-masa) - May 16, 2014 - 12:00am

H INDI prayoridad ng Aquino administration ang Freedom of Information (FOI) bill. Sinabi ito ng Malacanang ilang buwan na ang nakararaan. Ang ganitong aksiyon ay taliwas sa sinabi noon ni President Aquino (nangangampanya pa lamang siya noon) na uunahin daw niya ang FOI bill. Nang nakaupo na at dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino, hindi na niya ito prayoridad. Malaking palaisipan kung bakit tumamlay ang paninindigan ni Aquino sa panukalang batas na ito. Dahil kaya natatakot siyang masilip ng taumbayan ang kanyang mga iniingatan ganundin ang mga kaalyado sa pulitika. Kung FOI bill ay pinasa na noon pa, hindi aabot sa ganito ang kaso ni Janet Lim Napoles na nagmaniobra ng mga pekeng NGOs para ma-divert ang pork barrel ng mga senador at congressmen. Nasa P10-bilyon ang nakamal ni Napoles. Ngayon ay unti-unti nang lumalabas na marami palang senador at kongresista ang nakinabang sa kanilang pork barrel. Lahat pala sila ay iisa ang “likaw ng bituka”.

Ngayong kinalilimutan na ni Aquino ang FOI bill, matindi na ang kampanya ng taumbayan para ma­isulong na pagtibayin na ito. May kampanya na online para rito. Kahapon, umabot na sa 300 supporters ang campaign at parami pa nang parami. Hindi raw titigil ang netizens hangga’t hindi ipinapasa ang FOI bill.

Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang tax­payers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Kung magiging batas ang FOI Bill, maaari nang magkaroon ng access ang mamamayan sa lahat ng mga programang ginagawa ng public officials. Malalaman na ng mamamayan kung paano ginagastos ng kanilang official ang pondo. Malalaman ng mamamayan kung ano ang mga pinasok na kontrata at mga kasunduan. Maaari na ring malaman ng mamamayan kung ano ang ginagawang programa ng public officials para mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo.

Pagtulung-tulungan ng mamamayan ang pagsusulong sa kampanya sa FOI bill. Ito ang lulutas sa katiwaliang namamayani sa bansa.

AQUINO BILL FOI FREEDOM OF INFORMATION JANET LIM NAPOLES KUNG MALALAMAN MAMAMAYAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with