^

Punto Mo

Pagod

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

LAGI ba kayong pagod? Alamin at baka hindi lang ‘yan simpleng pagod kundi over fatigued na.

Kapag lagi kayong kumakain ng matamis, ang tendency ng sugar levels ay mag-swing. Taas baba. At ito ay nakakaubos ng enerhiya. Nakakaantok. Minsan kaya feeling pagod ay dahil matapos ang surge of energy dahil sa sugar, dahil sa tinatawag na sugar rush, biglang magka-crash at babagsak ang enerhiya. Ang translation nito ay pagod at antok. Kung magiging conscious sa inyong pagkain ng matatamis, mas stable ang inyong blood sugar level at hindi masyadong hapo.

Nahihirapan ba kayong bumangon sa umaga? May tinatawag na morning fatigue. At madalas daw itong maranasan ng mga taong mahilig kumain ng carbs at uminom ng alak dalawang oras bago matulog. Dahil dito nagiging magulo at taas-baba ang insulin levels sa buong gabi. Ang resulta, kinaumagahan ay napakataas ng sugar levels. Ang pisikal na manipestasyon, pakiramdam n’yo ay pagod na pagod kahit mahaba naman ang tulog. Kung gutom bago matulog, kumain ng pagkaing mataas sa protina tulad ng mani at keso. Iwasan ang carbs!

Kayo ba ay biglang naghahanap ng matamis o ng kape kapag hapon? Ito raw ay senyales ng imbalance sa thyroid o adrenal gland hormones. Para mawala ang craving para sa matamis, kumain ng high protein-rich na snack mga alas dos ng hapon para kumalma ang inyong hormone levels, gayundin at humaba ang energy hanggang gabi.

Alas siyete pa lamang ba ng gabi ay antok na antok na kayo? Ayon sa pag-aaral sa mga ma­agang oras ng gabi tayo nakakaramdam nang matitinding emosyon, na nauuwi sa fatigue. Ang stress umano ay dahil sa sobrang enerhiya to the point na out of control na ang inyong nervous system kaya may mga nervous breakdown na nagaganap kapag grabe ang emosyon. Ang katawan naman ay maghahanap ng carbohydrates. Iwasan ito dapat sa gabi. Ang pinaka-carbo-loaded meals ay kapag may araw pa. Lalo na sa agahan at tanghalian. Habang gumagabi dapat pagaan nang pagaan ang kinakain.

Pinakamainam na paraan para hindi mapagod, ma-over fatigue o ma-stress ay mag-exercise at magdasal para klaro ang isipan. Mali ang pag-iisip na mapapagod lang sa exercise. Tataas pa nga ang inyong enerhiya at masigla ang pakiramdam.

 

ALAMIN

AYON

DAHIL

HABANG

IWASAN

KAPAG

MINSAN

NAHIHIRAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with