Love, paki-explain nga… (Last Part)

Kung ang pagpipilian ay 1) ganda ng mukha at 2) ganda ng katawan, ang pumipili sa number 1 ayon sa mga psychologists, ay yung mga taong gusto ay long term relationship.

Mga 65 percent ng mga tao ay ikinikiling ang kanilang ulo sa kanan kapag nakikipaghalikan.

Kapag pumapasok sa bedroom ang isang babae, mas nagmumukha siyang attractive kung nakadirekta ang kanyang mata sa partner na nauna nang pumasok sa kanya.

Sa mga Amerikano, mas malaki ang kinikita ni Mister, mas malaki ang tsansa na mangaliwa.

Ang taong mahilig mag-twitter araw-araw ay kadalasang hindi tumatagal ang pakikipagrelasyon.

Ang madalas nagkakatuluyan ay iyong nasa “same level” ang kanilang attractiveness.

Ang average na itinatagal ng high school relationship ay isang buwan.

Ayon sa isang pag-aaral, may mga lalaking natatakot makipagrelasyon  sa mga babaeng mahilig magpatawa. Baka raw minsan ay gawin silang props para lang makapagpatawa.

Sa pangkalahatan, madalas ay hindi ligawin ang babaeng napakaganda dahil “natatakot” ang mga lalaki sa kanila. Natatakot na mabasted dahil sa sobrang ganda, ang nasa isip ng mga lalaki ay mataas ang “standard” niya sa pagpili ng magiging nobyo.

 

Show comments