Babae, dinonate ang kidney sa nakilalang lalaki; makalipas ang 4 na taon, nagkaibigan sila at nagpakasal

MAGANDA ang love story nina Kyle Froelich at Chelsea Clair ng Indiana, US. Nag-meet sila sa isang car show noong 2009. Si Kyle ay 19-anyos at 22 naman si Chelsea.

Si Kyle nang mga panahong iyon ay may kidney disease. Nagkaroon ng deperensiya ang isa niyang kidney at kailangang mapalitan. Subalit matagal nang naghahanap ng donor si Kylse ay wala pa ring maka-match sa kanyang kidney. Ayon sa mga doctor, kailangang maisagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon para maisalba ang kanyang buhay. Payo ng doctor kay Kyle na huwag mawawalan ng pag-asa at laging magdasal na sana ay may taong mag-alok ng kanyang kidney at sana ay ka-match.

Hanggang ma-meet nga ni Kyle si Chelsea sa car show at nang araw ding iyon ay ini-offer niya ang kanyang kidney. Ganoon na lamang ang pagkamangha ni Kyle sapagkat ngayon lang sila nagkakilala ni Chelsea at ini-offer agad nito ang kidney.

Sumailalim silang dalawa sa pagsusuri para malaman kung angkop ang kidney ni Chelsea sa sistema ng katawan ni Kyle. At lumabas na perfect match sila!

Dahil sa palaging magkasama sa hospital appointment kaugnay sa isasagawang operasyon, nagkaibigan sila. Love nila ang isa’t isa.

Ginawa ang operasyon sa dalawa makalipas ang isang taon. At naging matagumpay iyon. Masayang-masaya sina Kyle at Chelsea.

Noong nakaraang Oktubre 12, 2013, ikinasal ang dalawa.
(www.oddee.com)

Show comments