22 Tips para magmukhang bata
1. Pahiran ng lotion na may ingredients na retinol, salicylic acid, or alpha hydroxy acid ang mga siko at tuhod araw-araw.
2. Ang pag-inom ng 1000 mg na omega 3 fatty acids araw-araw ay nakakatanggal ng panunuyo ng balat, psoriasis at eczema.
3. Regular na uminom ng green tea.
4. Ang anumang pampakinis na ipinapahid mo sa iyong mukha, ipahid din ito sa leeg, dibdib at kamay para maiwasan ang mukhang bata sa mukha, pero ang leeg at kamay ay parang sa matanda.
5. Gumamit ng blue based eyeshadow at liner upang matakpan ang pamumula ng mata dulot ng pagod.
6. Kapag tumatanda na, nagiging “humpak†ang pisngi. Upang makalikha ng ilusyon na pisnging matambok, pahiran ng light red blush on ang cheek bones. Lalong “nakakahumpak†ng pisngi ang dark red blush on.
7. Bago mag-make-up, aplayan muna ang mukha ng moisturizer upang hindi mahalata ang soft lines.
8. Gumamit ng mga pampahid sa mukha (sa gabi) na may ingredients na vitamin C at E.
9. Kailangang imasahe ng isang minuto ang face wash sa mukha upang maalis ang mga dumi at make-up.
10. Kumain ng Brazil nuts na pinakamayaman sa selenium, ang nagpoprotekta sa kutis mula sa perwisyong sinag ng araw. Ngunit kung wala, may selenium din ang cashew at sunflower seeds.
(Itutuloy)
- Latest















