Marumi ang bayan

Huwag tayong magulat – mga nangyayari

Dito sa ‘ting bansang lahat ay marumi;

Mga mambabatas marumi ang budhi

Nilulustay nila’y maraming salapi!

 

Itong mga mata ay ating ipukol

Sa estero’t kalye saka mga ilog;

Basura at dumi ay tangay ng agos

Kaya pag umulan tayo’y nalulunod!

 

Mabuti na lamang mayr’ong Gina Lopez

Kanal at estero kanyang nililinis;

ABS-CBN at iba pang channels

Gawaing gobyerno sila’y Kapit-Bisig

 

Kaya ang gobyerno’y walang ginagawa

Pagka’t trabaho ay magwalanghiya;

Si Korina Sanchez ay walang pahinga

Tumutulong sila sa matanda’t bata!

Show comments