Urban Legend…na dumungis sandali sa imahen ni Jose Rizal: Si Rizal ang tatay ni Hitler

May nagsasabing si Rizal ang tunay na ama ni Hitler. Minsan ay may naka-one night stand na pokpok si Rizal sa Germany. Nagbunga raw iyon ng isang sanggol, iyon nga, si Hitler.

Ngunit ang kalokohang ito ay pinasinungalingan ng mga mananaliksik tungkol kay Rizal. Si Adolf Hitler ay ipinanganak noong April 20, 1889. Ang mga mananaliksik na ito ay may hawak na kumpletong petsa at listahan ng mga pinuntahan ni Rizal mula 1888 hanggang sa petsa ng pagsilang ni Hitler. Imposibleng siya ang maging ama ni Hitler dahil nang panahong ipinagbuntis at isinilang si Hitler, si Rizal ay nasa London at pagkatapos ay nagpunta ng France.

Si Rizal ang Jack The Ripper

Ang “Jack The Ripper” ay ipinangalan sa isang psycho killer ng mga prostitutes sa isang lugar sa London. Walang nakaka­alam kung sino siya, ano ang kanyang pagkatao dahil masyado siyang madulas at talagang hindi siya nahuli ng mga pulis kahit kailan. Tinawag na lang siya sa ganoong alyas. Pinapatay niya ang mga pokpok sa pamamagitan ng paglaslas ng kanilang tiyan at pagkatapos ay kinukuha ang mga laman loob.

Si Rizal ay nasa London nang panahong aktibong-aktibo sa pagpatay si Jack The Ripper. Tapos nang umalis si Rizal sa London ay biglang tumigil ang krimen laban sa mga prostitutes. Napansin ng mga pulis na sanay mag-opera si Jack The Ripper base sa ginawang paglaslas sa katawan ng mga biktima. Ma­hahalatang may nalalaman daw sa pag-oopera si Jack The Ripper, ayon sa mga pulis. E, hindi ba’t si Rizal ay isang doktor­? Kaya siguro ginawan siya ng ganoong klaseng kuwento.

Show comments