Practical Tricks & Tips

Upang hindi makalimutan ng bagay na dadalhin mo sa iyong appointment, ipatong ito sa sapatos na nakaiskedyul mong isuot kinabukasan.

Nahihirapan kang kumain ng giant hamburger? Baliktarin mo (ang top ay nasa ilalim) ito at saka kainin. Mas malapad kasi ang top portion ng bun kaya hindi dudulas ang patty palabas ng bun.

Upang matanggal kaagad ang brainfreeze pagkatapos sumubo ng ice cream o sumipsip ng slurpee, idikit mo ang iyong dila sa ngala-ngala.

Kakaunti na ang lip gloss at mascara kaya ang tendency ay naiipon ito sa bottom ng tube. Ibabad sa hot water ng 20 minutes. Lalambot ito at maitatagilid kaya maaabot na ng brush.

Ang spices ng flavored potato chips ay naipon sa bottom ng package. Sa ilalim mo ito buksan.

Humahawa sa white panty or brief ang bagong maong na pantalon. Bago isuot ay labhan muna ito sa tubig na may isang kutsarang rock salt upang ang dye ng tela ay hindi na humawa.

Kunan ng picture sa iyong cellphone ang laman ng iyong fridge bago pumunta sa grocery para kung makalimutan ang listahan ng bibilhin, may isa ka pang option na magpapaalala kung ano ang kailangan mong bilhin.

Ang whitening toothpaste ay nakakatanggal ng nail polish.

Nagtatanggal ng scratches ng CD at DVD ang toothpaste.

Show comments