Kagila-gilalas na imbensiyon

Homemade submarine --- Kakaiba ang ginawa ni Tao Xiangli – gumawa siya ng submarine sa halagang $4,385! Dalawang taon na matiyagang ginawa ni Xiangli ang kanyang submarine at nang matapos ay halos mapaluha siya sa kagalakan. Tagumpay ang kanyang home-made submarine.

Ang submarine ni Xiangli ay gawa sa propellers, electric motors, periscope at depth control tank.

Lubos ang kasiyahan ni Xiangli nang mag-operate sa ilalim ng tubig ang kanyang submarine. (www.oddee.com)

 

*  *  *

 

Homemade roller coaster --- Nagsawa na si Jeremy Reid ng Oklahoma City sa taun-taon na increase ng bayad sa amusement park sa kanilang lugar. Paborito niyang sakyan ang roller coaster.

Hanggang sa maisipan ni Jeremy na gumawa ng sari­ling roller coaster sa backyard ng kanilang bahay. Ang sukat ng lupang tinayuan niya ng roller coaster­ ay 10-acre. Sapat na sapat sa coaster.

Nang matapos ang coaster, hindi lamang si Jeremy ang natuwa kundi pati ang kanyang pamilya. Sinubukan nila ang coaster at walang ipinagkaiba sa sinasakyan nila sa park.

Gumastos si Jeremy­ ng $10,000 sa home-made roller coaster.

 

Show comments