Sampung taon na

Itong dyaryong PM bagama’t  bata pa

Sa pamamahayag ngayo’y nangunguna;

Noong Enero 13 isang dekada nang

Tapat na naglingkod sa tao’t sa bansa

 

Sampung taon ngayong itong aming dyaryo

Ang hangarin lamang maglingkod sa inyo;

Kung may nasabi kaming mali sa pagberso –

Pakiusap lamang itama na ninyo!

 

Hangad din ng pitak na sa bawat saknong

Maging tapat ito sa mithi at layon;

Kaagapay ito ng aming editors

Sa hangarin naming sa bansa’y tumulong!

 

Pero hindi lahat ay naisusulat

Sapagka’t ang puso ay di nangungusap;

Kaya itong diwa ang nagsisiwalat

Sa panulat naming sa puso nagbuhat!

Show comments