Mga hayop na may kakaibang ‘birthmark’

ANG BAKA NA SI MOSES --- Marami ang nagulat ng ipanganak ang isang baka sa dairy farm sa Sterling, Connecticut noong 2010. Ang baka na tinawag na si Moses­ ay may birthmark sa kanyang noo na hugis pu­ting KRUS. Si Moses ay tinawag na “Holy Cow”.

ANG CHIHUAHUA NA SI HEART-KUN --- Marami rin ang nagulat nang isilang ang isang Chihuahua sa Odate, Northern Japan noong May 2008. Nakita sa katawan ng tuta ang isang malaking hugis puso. Malinaw na malinaw ang puso sa katawan ng Chiuahua na pinangalanang Heart-Kun.

Sabi ng may-ari ni Heart-Kun, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng aso na may kakaibang birthmark. Ayon kay Emiko Sakurada, matagal na siyang nagbi-breed ng aso at ngayon lang siya nagkaroon ng aso na may birthmark. Hindi raw niya ipagbibili si Heart-Kun.

Show comments