Lampong (162)
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - December 31, 2012 - 12:00am

NAGULAT si Dick sa sinabi ng babae na hindi na nagtatrabaho si Puri. Big time na raw si Puri. Lalo nang nagkaroon ng interes si Dick na magtanong pa sa babae.

‘‘Matagal na siyang hindi nagtatrabaho, Mam?’’

“Isang buwan na siguro. Teka Sir, sino ka ba at marami kang tinatanong kay Puri?’’

Sa halip sagutin, inanyayahan ni Dick ang babae na magmeryenda sila sa canteen ng building.

“Sige na Mam. Pagbig­yan mo na ako. Talaga lang marami akong gustong ma-laman kay Puri. Please…”

“Sige na nga. Tutal hindi pa ako nagmemeryenda.’’

“Salamat. Saan ba ang canteen dito, Mam.’’

“Sa second floor. Halika, maghagdan na lang tayo.’’

Nakarating sila sa canteen. Kakaunti lang ang kumakain.

“Sige pili ka na lang nang gusto mong kainin Mam. Ako nga pala si Dick. Ikaw Mam anong name mo?’’

“Mina.’’

“Sige Mina, pili ka ng kakainin mo. Akong bahala.’’

Pumila sila at pumili ng pagkain. Kaunti lang ang kinuha ni Mina.

“Ba’t yan lang, Mina. Kuha ka pa.’’

‘‘Okey na ito Dick. Gusto ko lang samahan ka rito at ikuwento ang nalalaman ko tungkol kay Puri…’’

“Salamat.’’

Nang nasa mesa na sila sa gawing sulok ng canteen, sinabi ni Dick na siyota siya ni Puri.

‘‘Ikaw pala ang siyota ni Puri. Kawawa ka naman, Dick...’’

‘‘Oo nga. Kinawawa ako. Pero unti-unti ko nang natatanggap.’’

‘‘Gaya ng sinabi ko kanina, isang buwan nang hindi pumapasok si Puri. Kasi hindi na niya kailangan ang trabaho dahil ubod ng yaman ang nadagit niya. May-ari ba naman ng plastic company.’’

“Yun ba yung matanda?’’

“Oo. Si Mr. Pec.’’

‘‘Paano nakilala ni Puri ang matandang yun?’’

“Madalas dito yun. Kli-yente namin. May pina-aadvertise kasi. Naispatan si Puri. Hindi na hiniwalayan. Maski sa pagpunta sa Baguio, kasama si Tanda.’’

Gulat na gulat si Dick. Kaya pala ayaw siyang isama sa Baguio, dahil kasama ang matanda.

May nararamdamang ga­lit si Dick. Niloko talaga siya ni Puri!

(Itutuloy)

DICK IKAW MAM LANG LSQUO MR. PEC OO PURI SIGE
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with