^

Punto Mo

Masayang malungkot

ANGHANG-TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Bakit ba ang tao’ may saya at lungkot

Sadya bang ganito tao sa sinukob?

May mga nilikhang sawa sa himutok

Dahil buhay nila ay buhay busabos?

 

At may tao namang kahi’t mariwasa

Saklot din ng lungkot ang puso at diwa;

Mga taong ito kahi’t masagana

Dahil nag-iisa ay mukhang kawawa!

 

Kaya anong buhay ang dapat angkinin

Na kung nalulungkot maging masayahin?

Ang dapat siguro’y maging madasalin

Upang ang biyaya’y sabay kung dumating!

 

Hilingin sa Diyos Kanyang isaayos

Ang takbo ng buhay dito sa sinukob;

Kanyang balansehin ang tuwa at lungkot

Sa puso ng tao na Kanyang nililok!

vuukle comment

BAKIT

DAHIL

DIYOS KANYANG

HILINGIN

KANYANG

KAYA

SADYA

SAKLOT

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with