Pumatay sa SEA Games gold medalist, tiklo
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa gold medalist ng Southeast Asian Games na si Mervin Guarte na pinagsasaksak noong Enero 2025 sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Sa ulat ni Police Regional Office-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Chief P/Brig. Gen. Christopher Dela Cruz na naaresto,alas-4:00 ng hapon ng kanilang operatiba ang 35-anyos na suspect sa hideout nito sa Brgy. Banaba, Bamban,Tarlac.
Si Guarte, 33-anyos, isang Philippine Air Force Airman 1st Class,nakatalaga sa Fernando Airbase sa Lipa City, Batangas ay pinagsasaksak hanggang mapatay habang natutulog sa tahanan ng kaibigan nito sa Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro matapos itong makipag-inuman noong Enero 7, 2025.
Ang naarestong suspect na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ay residente rin ng Brgy. Camilmil, Calapan City ay naitala na No. 4 most wanted person sa Oriental Mindoro.
Ang biktima ay nagwagi ng gold medals sa men’s five-kilometer event sa Southeast Asian Games noong 2019 at men’s team relay noong 2023 SEAG.
- Latest
















