Kuya tinaga sa leeg ng utol, dedbol
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 28-anyos na lalaki matapos tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid sa bahay mismo ng kanilang nanay sa Brgy.Nadawisan, Cataingan, Masbate, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Nilo, may-asawa, residente ng naturang lugar. Habang sumuko ang suspek na si Atong, 22-anyos, may-asawa sa mga rumespondeng pulis.
Sa ulat, alas-9:00 ng gabi ay nagpunta sa bahay ng kanilang nanay ang suspek na si Atong at dito ay armado ng dalawang itak si Nilo.
Sa hindi malamang dahilan ay sinugod ng taga ni Nilo si Atong na agad nakaiwas.
Nakakuha si Atong nang kaputol na kahoy at hinampas ang kamay ni Nilo kaya nabitiwan ang hawak na itak na agad niyang pinulot at tinaga sa leeg kuya na agaran nitong ikinasawi.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang pag-aaway ng magkapatid na nauwi sa malagim na krimen.
- Latest















