Face-2-Face classes sinuspinde ng DepEd

Students attend their classes after their holiday break at Araullo High School in Manila on January 4, 2024.

Ngayong araw at bukas

MANILA, Philippines — Dahil sa mainit na panahon at 3-araw na nationwide transport strike ay sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang on-site classes sa lahat ng paaralan mula Abril 29 hanggang Abril 30.

“In view of the la­test heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement Asynchronous classes/Distance Learning on April 29 and 30, 2024,” abiso ng DepEd.

Maging ang mga teaching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools ay hindi rin nire-require ng DepEd na pumasok sa kani-kanilang istasyon.

Ang mga aktibidad naman umano inorganisa ng Regional at Schools Division Offices, gaya ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs, ay maaaring ituloy sa mga nasabing petsa.

Hindi naman sakop ng kautusan ng DepEd ang mga private schools ngunit binigyan sila ng opsiyon na ipatupad rin ang nasabing kautusan.

Show comments