Drug dealer utas sa P13.6 milyong shabu bust

MANILA, Philippines — Isang drug dealer ang nasawi nang manlaban sa isang buy-bust operation sa Luuk, Sulu nitong Sabado.

Kinumpirma kahapon ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagkamatay ng suspek na si Pailan Sahali Jumali nang manlaban umano sa mga hindi unipormadong mga anti-narcotics agents na nabentahan niya ng dalawang kilong shabu sa Barangay Tanduh Batu.

Isang inosenteng residente ng Barangay Tanduh Batu, si Julpuri Wadih Sailabbi, ang tinamaan ng ligaw na bala sa naturang insidente.

Nasamsam ang nasa P13.6 milyon na halaga ng shabu mula sa napaslang na si Jumali.

Show comments