^

Police Metro

Pasahero, nahulog mula sa barko, nailigtas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pasahero na nahulog mula sa kanyang sinasakyang barko na may rutang Batangas patungong Calapan, kama­kalawa ang matagumpay na nailigtas.

Sa ulat ng Philippine Ports Autho­rity (PPA), hindi na pinangalanan ang natu­rang pasahero na nahulog umano mula sa barko ng Montenegro Santa Brigida.

Ayon sa pinadalang report ng nasabing barko, natagpuan ng isang ma­ngingisda ang nasabing pasahero.

Agad rin naman umano itong ­naisalba ng mangingisda at naisakay pabalik sa nasabing sasakyang pandagat.

Mabilis ding itinawag ng PMO Mindoro sa Calapan City Safety Department ang nasabing pangyayari para sa karagdagang medical assistance.

Pagdating sa pantalan, dinala agad ang naisalbang pasahero sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

vuukle comment

PHILIPPINE PORTS AUTHO­RITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with