^

Police Metro

81-anyos lolo, dedo sa bugbog ng apong adik

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot ng mga doktor ang 81-anyos na lolo matapos bugbugin ng kanyang adik na apo sa harapan mismo ng kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jesus Rivera, ng 1858 Oro-B, Sta. Ana, Maynila dahil sa tinamong matinding sugat sa ulo at bugbog na inabot mula sa kanyang apong si Reymart Tanghal, 27, residente rin ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni PMSg Arvy Macarasig ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa bahay ng biktima.

Nauna rito, nakita umano ng mga testigo na lumabas ng bahay ang biktima kasama ang kanyang misis at sumisigaw at nagmumura.

Maya-maya ay sumunod umano ang suspek at kaagad na pinagsusuntok ang biktima dahilan upang bumagsak ito sa sementadong kalsada.

Tinangka pa umanong bumangon ng biktima pero itinulak ito ng suspek sanhi upang humampas ang ulo nito sa pader at pumutok.

Kahit duguan na ang matanda ay patuloy pa rin umanong ginugulpi ng apo.

Naawat lamang ang suspek nang dumating ang kanyang ina at kaagad isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit nasawi rin habang tumakas naman ang suspek.

Hinala naman ng mga otoridad na posibleng dati nang may galit ang suspek sa lolo dahil madalas umano siya nitong pinapagalitan dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with