Babala ng PAGASA ngayong Holy Week: Mas titindi pa ang init

MANILA, Philippines — Ilang araw nalang ay Holy Week na at posibleng maraming Pinoy ay may lakad at bakasyon upang sulitin ang ilang araw na walang pasok.

Dahil diyan, may paalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalo na’t idineklara na ang panahon ng tag-init.

Nakapagtala ang La Union nang 46 degrees Celsius na init factor noong nagdaang linggo at patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang bansa ngayong Semana Santa.

Ayon sa PAGASA, maaari namang makapagtala ng 42 degrees Celsius heat index sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan ngayong Martes.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, ang mainit na temperatura ay mararanasan mula sa Miyerkules Santo hanggang sa magtapos ang linggong ito.

Binalaan din nito ang publiko na ang heat index sa Mayo ay maaaring maging “extreme danger,” dahil maaaring pumalo dito ang 52 degrees Celsius at pataas na init ng panahon.

Show comments