Marcos, kinondena pagpatay sa 4 na sundalo
MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananambang at pagpatay ng mga teroristang miyembro ng Dawlah Islamiya group sa apat na sundalo sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur noong Linggo.
Sinabi ng Pangulo na ang malagim na sinapit ng apat na sundalo ay lalong nagpalakas sa hangarin ng gobyerno na malipol ang terorismo sa rehiyon at sa buong bansa.
“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguindanao del Sur on March 17. This despicable act only to strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and our entire nation,” saad ng Pangulo.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay titiyakin niyang mabigyan ng mabilis na hustisya ang pagpatay sa apat na sundalo.
Iniutos na aniya nito ang agad na pag-abot ng tulong at benepisyo sa mga naiwanang pamilya ng apat na sundalo.
- Latest