Pulis opisyal, todas sa salpok ng ambulansya

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng pulisya ang nasawi matapos masalpok ng ambulansya ang minamanehong motorsiklo sa bahagi ng Barangay Baligatan, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Lt. Joaquin Accad, 49, residente ng Enrile, Cagayan.

Nakilala naman ang driver ng ambulansya na si Hilario Pasion, 50, residente ng San Jose, Delfin Albano, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ga­ling sa magkasalungat na direksyon ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at ang ambulansya na minamaneho ni Pasion nang umagaw umano sa linya ang ambulansya na naging dahilan para masalpok ang kasalubong na motorsiklo ng biktima sa palikong bahagi ng lansangan.

Bilang resulta ay nagtamo ng mga malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na mabilis naman isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Show comments