^

Police Metro

Maximum tolerance sa 2nd SONA ni Pangulong Marcos – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Maximum tolerance sa 2nd SONA ni Pangulong Marcos � PNP
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. presides over a sectoral meeting in Malacañang Palace on June 6, 2023.
Pool photos by KJ Rosales

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng maximum tolerance ang kapulisan sa panahon ng mga kilos-protesta kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 24.

Ito ang siniguro ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr., dahil anya ang mga kapulisan ay sanay na sa mga iba’t ibang operations at may itinalaga naman silang mga lugar para sa mga nagbabalak na magsagawa ng kilos-protesta.

Sinabi rin ni Brig. Gen. Limuel Obon, PNP Human Rights Affairs Office director, na hindi magdadala ng mga armas ang pulis na ilalagay sa protest areas at patuloy na nakikipag-ugnayan sa Commission on Human Rights.

Iginiit naman ni Acorda na walang magiging “overkill” pagdating sa police deployment sa papalapit na SONA ng Pangulo at magkakaroon lamang sila ng “minimum requirement” sa bilang ng mga pulis na ipakakalat sa SONA.

Magsisilbing “commander on the ground” naman si National Capital Region Police Office director Maj. Gen. Edgar Alan Okubo.

Noong nakaraang taon sa kauna-unahang SONA ni Marcos ay nasa 22,000 pulis at force multipliers ang ipinakalat sa paligid ng Batasang Pambansa at iba pang panig ng Metro Manila.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with