Pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon kinumpirma ng CPP-NPA

MANILA, Philippines — Patay na ang mag-asa­­wang Benito at Wilma Tiam­zon, chairman at se­c­re­­­­­­­­tary general ng central com­mittee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang kinumpirma ng CPP-NPA at ang mag-asawang Tiamzon ay pina­hirapan muna bago pinatay ng mga sundalo.

Base sa kanilang report, naganap ang nasabing pagpatay sa mag-asawang Tiamzon noong August 21, 2022 kung saan ka­sama ng mga ito ang walo pang guerilla forces sa Catbalogan City. Hinarang umano ang grupo ng mag-asawang Tiamzon at doon na nawala ang mga ito at hindi na nakita pang muli.

Sa nakalap na impormasyon ng Central Committee, tinorture umano ng militar ang mga rebelde at inilabas sa media na nasawi ang mag-asawang Tiamzon kasama ang walong iba pa nang sumabog ang sinasakyan nilang bangka matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Dahil dito, iginigiit ng partido ang paggawad ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga kasapi.

Hinihintay pa ang opis­yal na pahayag ng AFP.

Show comments