^

Police Metro

Gurong miyembro ng LGBTQ, inatado ng lover sa motel

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatado ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang guro ng kanyang karelasyon sa loob ng isang motel noong Linggo sa Taal, Batangas.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Arvin Aldover, 26, residente ng Tierra Verde Subd., Pallocan Kanluran, Batangas City at miyembro ng LGBTQ.

Agad na naaresto ang suspek na si Arnel Jarenu, 31, residente ng Sto. Niño, Ibaan, Batangas na tangka pang tumakas na nakitang nagtatago sa madamong bahagi na may 40 metro ang layo sa motel.

Bago naganap ang krimen, alas-6:40 ng gabi ay nag check-in ang dalawa noong Linggo sa Room 7 ng Catherine Lodge Hotel sa nabanggit na barangay.

Bandang alas-8:30 ng gabi ay nakarinig na ang ilang staff ng ingay at pag-aaway ng mag-lover kaya’t tinungo ang kuwarto at doon nakitang naliligo sa dugo ang biktima.

Ayon kay Taal Municipal Police Station chief Major Dante Majadas, nagkaroon ng hindi pagka­kaunawaan ang biktima at suspek na humantong sa krimen.

Narekober sa labas ng kwarto ang kulay orange na Mitsubishi Strada ng biktima habang sa loob ng kuwarto ay nakuha ang isang unit ng iPhone, relo, calculator, 2 piraso na gold necklace, isang gold bracelet, dalawang wallet na laman ay mga IDs, dalawang notebook, isang itim na bag at ang perang nagka­kahalaga sa 22,000 pesos.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with