^

Police Metro

Utak at gunman ng babaeng kawani ng Ombudsman, nadakip

Mer Layson - Pang-masa
Utak at gunman ng babaeng kawani ng Ombudsman, nadakip
Nagtatakip ng kanyang mukha ang itinuturong utak na si Dexter Cruz (kaliwa) na nag-utos kay Marlon Nery (kanan) na barilin ang biktimang si Dianne Jane Paguirigan, kawani ng Ombudsman noong Pebrero 1 sa Cordillera St., Brgy. Doña Josefa, Quezon City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — “Nagkaroon po sila ng relasyon, sabi niya. Sumasakit na raw po ang ulo niya, baka raw matulungan ko siya. Sinabi nga niya na baka may kakilala ako. Sabi ko ‘Susu­bukan ko, maghahanap ako.”

Ito ang ikinumpisal ng naarestong gunman na si Marlon Nery, 47, residente ng Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City na kung saan itinuro niyang utak sa pamamaril at tangkang pagpatay sa biktimang si Dianne Paguirigan, 37, Admin Aide IV ng Office of the Ombudsman ay ang dati umanong karelsyon na si Dexter Cruz, 45, kawani rin ng Ombudsman.

Sa ulat, si Nery ay naaresto sa kanilang bahay, alas-9:20 ng umaga nitong Lunes habang si Cruz, ay naaresto naman, alas-7:50 ng gabi ng nasabi ring araw sa Central Avenue, QC Ville, Brgy. Culiat ng lungsod.

Ayon sa QCPD, si Nery ay naaresto matapos na matukoy sa tulong ng mga CCTV footages na kuha sa mga barangay upang makita ang dinaanan  nito  hanggang sa matunton ang kanyang bahay kung saan ito naaresto.

Nakumpiska mula kay Nery ang iba’t ibang baril at bala, mga cellphone, mga IDs at isang kulay gray na Honda TMX motorcycle na ginamit nito sa krimen.

Nagbigay si Nery sa QCPD ng “extrajudicial confession” at ikinumpi­sal kung paano plinanong isinagawa ang krimen at ang utak na si Cruz na siyang kumontak umano sa kanya at nagbayad ng P30,000 upang patayin si Paguirigan na sinilbihan din ng warrant of arrest ng QCPD para sa hiwalay na kaso ng bigamya.

Matatandaang, alas-8:20 ng umaga noong Miyerkules ay naglalakad si Paguirigan sa Quezon Ave­nue, kanto ng Cordillera St., sa Brgy. Doña Josefa, QC nang bigla na lang siyang lapitan ng suspek at dalawang ulit na binaril sa dibdib bago tumakas.

Mapalad namang nakaligtas ang biktima, na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with