^

Police Metro

Senator Bato handang magpabitay!

Malou Escudero - Pang-masa

‘Pag ‘guilty’ sa mga pagpatay sa drug war

MANILA, Philippines — Nakahandang magpabitay si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kapag napatunayang sangkot siya sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJK) o mga pagpatay dahil sa ilegal na droga noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Dela Rosa na maaari siyang bitayin kapag napatuna­yang guilty siya sa mga pagpatay na may kinalaman sa droga

 “Puwede n’yo akong bitayin any time ‘pag na-prove n’yo diyan na ako’y nagkakasala. You can hang me in front of the Filipino people. You can hang me through the decision of the Filipino courts. But my god , hindi ng isang dayuhan,” ani Dela Rosa sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

Nanindigan din si Dela Rosa na dapat ay korte ng Pilipinas ang magsagawa ng paglilitis at hindi ang International Criminal Court (ICC).
Nauna rito, inihayag ni forensic pathologist Raquel Fortun na handa niyang iharap sa ICC ang kanyang mga bagong natuklasan sa mga biktima ng drug war.

Sinabi ni Dela Rosa na kung totoo ang natuklasan ni Fortun, dapat itong ihain sa korte sa Pilipinas.

“Kung totoo ‘yang findings ni Fortun, ipa-file. May NBI naman tayo nag-conduct ng investigation. I-file ‘yan. Kaya nga nag-imbestiga siya para makakuha tayo ng ebidensiya. I-file niya dito sa ating korte, hindi doon sa ICC. Wala silang hurisdiksiyon sa atin,” ani Dela Rosa.

Muli ring kinuwestiyon ni Dela Rosa ang pakikialam ng ICC sa isyu ng war on drugs sa Pilipinas.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with