^

Police Metro

POGO may kinalaman sa 102 kaso ng kidnapping atbp - PNP

Gemma Garcia - Pang-masa
POGO may kinalaman sa 102 kaso ng kidnapping atbp - PNP
Undated photo shows of guards check the temperature of Chinese POGO workers in Parañaque City.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 102 na kaso ng kidnapping at iba pang mga krimen na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) mula noong 2019 hanggang Enero 31,2022.

Inilahad  ni P/Major General Eleseo Cruz ng PNP directors for Investigation and Detective Management sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa mga krimen na nagaganap sa industriya ng POGO kung saan karamihan umano sa mga suspek at biktima ay pawang mga Chinese nationals.

Sa 102 na kaso ang 30 dito ay kidnapping for ransom;10 ang kidnapping with serious illegal detention habang 40 ay POGO related crime noong 2022 at 42 noong 2021.

Samantala, ang 11 noong 2020 at 9 noong 2019 habang 319 ang kabuuang bilang ng biktima at isa sa kanila ang napatay.

Sa report pa ng PNP tinukoy na sa mga biktima 214 ay transnational may 28 Filipino; 28 Thai; 24 mula Myanmar habang ang iba ay Malaysian, Taiwanese, Vietnamese, Japanese at Mongolian .

Sa kabuuan 892 ang mga suspek. kung saan sa naturang bilang 782 ay Chinese, 80 Filipino at ang iba pa Vietnamese; Malaysian; Korean; Thai at Indonesian.

Habang 83 lamang sa mga suspek ang arestado, 93 ang at-large at may 482 nakapagpiyansa at 3 sa mga suspek ang napatay, ang iba naman ay nasa kustodiya ng Bureau of Immigration.  

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with