COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang tumaas

Commuters are seen riding coaches of the Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at various stations in Manila on January 12, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Base sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng independiyenteng monitoring group na OCTA Research, sa kanyang Twitter account kahapon ay bahagya umanong tumaas ang 7-day positivity rate ng bansa at ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19.

Ayon kay David, hanggang nitong Enero 28, 2023, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2.4% na nationwide positi­vity rate.

Ito ay mas mataas kumpara sa 2.1% na positivity rate na naitala ng DOH sa bansa noong Enero 27, 2023 lamang.

Samantala, ang positi­vity rate naman sa NCR ay bahagyang tumaas din sa 2.4% nitong Enero 27, 2023, kumpara sa 2.0% lamang noong Enero 26, 2023.

Aniya, noong Enero 20, 2023 lamang, ang positivity rate sa rehiyon ay naitala sa 2.5%.

Tiniyak naman ni David na patuloy nilang imumonitor ang sitwasyon ng CO­VID-19 sa mga susunod na araw upang matukoy kung magpapatuloy ang natu­rang upward trend.

Show comments