^

Police Metro

Libreng ‘funeral services’ sa pinakamahirap na pamilya isinusulong sa Senado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkakaloob ng libreng “funeral services” para sa mga pinakamahihirap na pamilya sa buong bansa ang isinusulong ni Senator Raffy Tulfo.

Sa Senate Bill 1695 na inihain ni Tulfo, layon nitong isabatas ang umiiral na burial assistance sa ilalim ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

Kasama sa benepis­yong ito ang paghahanda sa funeral documents, embalsamo, viewing o burol, paglilibing o cremation.

Habang mga accredited na punerarya o morge naman ay oobligahing magbigay ng kabaong o urn.

Saklaw ng libreng burol at libing ang mga pamilya na may pinagsamang kita na hindi hihigit sa P15,000 kada buwan at walang pagmamay-aring bahay o sasakyan.

Para mapakinabangan ang libreng serbisyo, kailangan lamang magsumite ng pamilya ng ‘certificate of indigency’ mula sa barangay o sa local social welfare office, death certificate, at funeral contract sa pagitan ng pamilyang benepisyaryo, accredited mortuary at authorized DSWD personnel.

Tinukoy sa panukala na karaniwang umaabot ng P10,000 pataas ang funeral at burial services at ang mga mahihirap na pamilya na namatayan ng mahal sa buhay ay hindi lamang nagluluksa kundi karaniwang baon din sa utang.

vuukle comment

FUNERAL SERVICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with