Bigtime rollback sa petrolyo larga uli sa sunod na linggo
MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga motorista.
Magkakaroon na naman ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sinasabing ang galaw ng presyuhan sa merkado ang ugat ng pagbaba sa halaga ng petrolyo nitong nakalipas na Disyembre 5-8.
Ayon sa oil industry source, inaasahang mababawasan ng P3.00 hanggang P3.30 ang presyo ng diesel kada litro.
Aabutin naman ng P1.40 hanggang P1.70 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.
Sinasabing pang-apat na linggong sunod na itong pagpapatupad ng oil price rollback.
Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang price adjustment sa produktong petrolyo.
- Latest