^

Police Metro

Pangulong Marcos, dadalo sa APEC summit sa US sa 2023

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Phi­lippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa Nobyembre 2023.

“President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that President Marcos will be attending together with all the leaders who have been invited to APEC,” ayon kay Romualdez.

Sinabi pa niya na inaasahang makikipagkita si Marcos sa American business groups para talakayin ang posibleng investments sa bansa.

Maliban dito handa rin umano sa pagkakataong iyon ang Pilipinas na ipa­kita ang reporma at economic programs sa nasabing pag­titipon para makahikayat pa ng investors.

Inanunsiyo naman ni US Vice President Kamala Harris na ang summit ay gagawin sa linggo ng Nob­yembre 12 sa San Francisco California at bilang host country ay maki­kipag tulungan sila sa APEC economies para lumikha ng  bagong sustainability at decarbonization commitments.

APEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with