^

Police Metro

Pangulong Marcos nabagalan sa pagpapalabas ng National ID

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos nabagalan sa pagpapalabas ng National ID
A private sector employee applies for a national ID at Starmall EDSA-Shaw recently.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naiinip at nababagalan umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalabas ng Philippine Statistics Office (PSA) ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

Ito ay matapos atasan ni Marcos ang PSA na madaliin ang maramihang pag-imprenta ng digital version ng PhilSys ID at isunod ang pagpi-print ng physical ID.

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sinabi ng pangulo sa kanyang meeting kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA.

Sa nasabing pagpupulong ay napag-usapan ang kakayahan na mag-imprenta gayundin ang “late start ng flow of data at volume of data”.

Tiniyak naman ni PSA Undersecretary Dennnis Mapa na makikipagtulungan sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pabilisin ang produksyon at pag-imprenta ng Phil. ID.

Paliwanag pa ni Mapa, na ang dagsa ng mga nagpaparehistro ng PhilSys ID ang dahilan sa delay para makapagpa- imprenta ng national ID cards.

Matatandaan na Oktubre nang simulan ang implementasyon ng printed digital version ng PHil. ID habang hindi pa naman nakakagawa ng physical ID  na katulad ng disenyo ng isang ATM card.

NATIONAL ID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with