^

Police Metro

‘Secret cops’ ipapakalat sa Kapaskuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng secret cops, o mga pulis na hindi naka-uniporme sa paparating na Christmas season.

Ito ang sinabi kahapon ni NCRPO Deputy Regional Director for Operations Brig. Gen. Jack Wanky kung saan sa pamamagitan nito ay mas matitiyak ang kapayapaan at kaayusan sa dagsa ng mga tao sa nalalapit na Pasko.

Inaasahan na iikot sa mga shopping mall at iba pang mataong lugar ang mga undercover personnel at mga uniformed officers.

“Mayroon tayo mga ‘sikreta’ tawag natin doon… They are in coordination sa mga mall natin. They are strategically stationed sa mga areas,” ayon sa NCRPO.

“We are not letting our guards down. Si­yempre mag-e-enjoy din ng Pasko itong mga pulis natin. But we ma­nage in such a way na di mababakante ang mga areas na dapat nakikita kapulisan natin. Hinati-hati natin schedule… so they can be given days to spend with their fa­mily,” dagdag nito.

COPS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with