^

Police Metro

QMC, child labor-free zone na

Mer Layson - Pang-masa
QMC, child labor-free zone na
Nagbigay kahapon si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng kanyang talumpati sa Quezon Memorial Circle ukol sa National Childrens Month ngayong Nob­yem­bre.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inianunsiyo kahapon ng Quezon City government na ang Quezon Memorial Circle (QMC) ay isa na ngayong child labor-free zone bilang selebrasyon sa National Children’s Month.

Sa kanyang State of the City’s Children Report na ginanap sa QMC, ginawaran ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng Seal of Child Labor-Free Zone ang QMC matapos na ang lahat ng tenants, guwardiya, hardinero at admin staff nito ay sumailalim sa ekstensibong pagsasanay para sa Child Rights and Child Labor 101.

Ayon sa alkalde, karapat-dapat lamang na pagkalooban ang QMC ng naturang pagkilala dahil nagsilbi rin ito bilang venue, kung saan idinaos ang Global March Against Child Labor noong Enero 17, 1998.

Bilang bahagi naman ng pagsusumikap ng pamahalaan na tuluyan nang matuldukan ang child labor, sinabi ni Belmonte na itinatag niya ang Quezon City Inter-Agency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers o Task Force Sampaguita.

Nilikha sa bisa ng Executive Order No. 41, Series of 2022, pinagsama-sama at pinaigting pa ng task force ang lahat ng efforts o pagsusumikap na tuluyan nang masugpo ang lahat ng uri ng child labor sa Quezon City.

Mismong si Belmonte rin ang tumatayong chairman ng naturang task force upang personal niya itong mapamahalaan.

Nabatid na hanggang noong Setyembre, nasa 685 indibidwal na kabilang ang 296 child workers, ang nasagip ng Task Force Sampaguita.

Upang matugunan naman ang mental health problems sa mga bata, sinabi ni Belmonte na inaprubahan na ng city council ang Mental Health Code kung saan ang first responders ng lungsod, gaya ng barangay employees, mga guro at non-teaching staff ay sinasanay upang masolusyunan ang mga unang senyales ng mental health problems sa mga estudyante.

CHILD LABOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with