^

Police Metro

Toll fee sa Cavitex C5 Link, tumaas na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatutupad simula nga­yong araw, Nobyembre 27 ang dagdag singil sa toll rates ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) C5 Link.

Ito’y matapos maglabas na ang Toll Regulatory Board (TRB) ng Notice to Start Collection sa Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), ang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) and joint venture partner, Philippine Reclama­tion Authority (PRA) for CA­VITEX C5 Link.

Ito ay ang segment 1: Taguig to Merville; Segment 3.2: Merville to E. Rodriguez.

 Epektibo pagsapit ng alas-12:01 ng Nob. 27, ipa­tutupad na ang provisional toll rates ng Cavitex C5 Link na P35.00 para sa Class 1, P 69.00 para sa Class 2, at P104.00 para sa Class 3 motorists.

 Ang Segment 3.2 o ang CAVITEX C5 Link flyover extension ay binuksan sa mga motorista noong Agosto 14, 2022 na nagpalawig sa haba ng operational segment ng expressway  ng 1.6 kilometro, na naging daan para sa mas maginhawang daan at mas mabilis na travel time bound  patungo sa C5 Road sa Taguig mula Merville, Parañaque, at vice versa.

Bukod sa pagpapakilala ng mga bagong scheme ng trapiko sa lugar upang pamahalaan ang daloy ng trapiko, nagbukas din ang pamunuan ng Cavitex­ ng bagong Merville Exit Ramp noong Oktubre upang matugunan ang mga moto­ristang patungo sa direksyon ng Merville.

Ang buong  Cavitex C5 Link ay aabot sa kabuuang 7.7km at kumonekta sa Cavitex sa 2023. Makaka­tulong ito na bawasan ang oras ng paglalakbay ng tatlumpu hanggang apatnapu’t limang minuto para sa mga motoristang bumibiyahe mula CAVITEX hanggang Makati, Taguig, at Pasay (vice versa). Ang proyektong ito ay tumutulong din sa pag-decongest ng mga pangunahing daanan tulad ng EDSA, MIA Road, atbp.

Para sa mga  katanungan­, maaaring makipag-ugna­yan sa TRB Communications Head & Spokesperson, Mr. Julius Corpuz sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o +63 927 559 0184.

CAVITEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with