^

Police Metro

Mayorya ng mga Pinoy nababahala sa inflation – Survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa pinaka­bagong resulta ng Pulse Asia survey na ipinalabas kahapon na karamihan sa mga Pilipino ay naghayag na ang pagkontrol sa inflation ang national issue na kailangang agad na aksyunan ng Marcos administration.

Sa ulat ng Bayan survey na isinagawa mula Sept. 17 hanggang 21 na may 1,200 respondents, 66 porsyento ng mga Pilipino ang tumukoy sa pagkontrol sa inflation bilang “most urgent” national concern sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga panguna­hing bilihin.

Gayundin, 44 por­syento ng Filipino adults ang nagsabing ang pagtaas sa sahod ng mga mangga­gawa ang urgent national concern.

Tatlumpu’t limang porsyento naman ang nagsabing job creation, habang 34 porsyento ang nais maibsan ang kahirapan.

Batay sa Pulse Asia, mayroong kaunting pagbabago sa public opinion ukol sa urgent national concerns mula Hunyo 2022 hanggang Setyembre 2022.

Bukod sa inflation, sinabi ng Pulse Asia na isa pa sa mga isyu na ikinababahala ng karamihan saan mang geogra­­p­hic at socio-economic sub-groupings ay ang pagtataas sa bayad sa mga manggagawa, isang urgent concern na tinukoy ng 55 porsyento sa Class ABC at 54 porsyento sa Class E.

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with