^

Police Metro

Ex-lady cop huli sa drug bust

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Timbog sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group Luzon Field Unit Team 5 ang isang babae na dating pulis sa Barangay San Rafael, Bato, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si dating P/Cpl. Richelle Magalo-Mata, 41, residente ng Brgy. Sta Cruz na dating kabilang sa Counterintelligence Watchlist ng Camarines Sur Police Provincial Office, Police Regional Office 5.

Matatandaang noong 2019, nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga si PCpl Mata matapos magsagawa ng surprise drug test examination ang Camarines Sur PPO, PRO5 sa lahat ng tauhan ng PNP.

Simula noon, nag-AWOL o Absent Without Official Leave si Mata at kalaunan ay na-dismiss sa serbisyo.

Kamakalawa naman ng hapon nang dakpin ito nang magkaabutan ng shabu at nakumpiska ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 13 gramo ang bigat na may tinatayang DDB value na P88,400.00.

BUY BUST OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with