^

Police Metro

9 na bagyo pa posibleng pumasok sa Pinas

Angie dela Cruz - Pang-masa

Hanggang Disyembre - PAGASA…

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa anim hanggang siyam na bagyo pa ang pumasok sa Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) bago matapos ang taon.

Ito ang sinabi kahapon ni PAGASA administrator Vicente Malano kasabay ng public briefing ng pamahalaan.

“Sa Oktubre meron tayong dalawa hanggang apat. Sa November meron po tayong dalawa hanggang tatlo. Sa December po meron tayong hanggang dalawa. Or anim hanggang siyam pa itong taong ito,” ani Malano.

Dagdag pa nito, kapansin-pansin na tumaas ang bilang ng mga super typhoon na pumasok sa bansa ngayong taon kumpara sa mga nagdaang taon.

Matatandaan na ka­makailan ay binago ng PAGASA ang panuntunan sa pagtawag na super typhoon sa isang bagyo.

“Binago po natin ang ating sistema kasama natin yung ibang mga bansa na miyembro po ng World Meteorological Organization na magmula 185kph ay atin na pong kinakategorya na super typhoon,” paliwanag niya.

Mula sa 220 kilometro kada oras na lakas ng hangin, ibinaba na sa 185 kilometro kada oras na lakas ng hangin na lamang ay pwede na itong tawagin na super typhoon.

Sa kasalukuyan, mayroon tatlong super typhoon na ang dumaan sa bansa, ang bagyong Henry, Josie at Karding ngunit isa lamang dito ang tumama sa lupa.

vuukle comment

BAGYO

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with