^

Police Metro

Metro Manila, moderate risk sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
Metro Manila, moderate risk sa COVID-19
Parents enroll their incoming grade 3 children at Parang Elementary School in Marikina on Monday, August 1, 2022.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na muling inilagay ang Metro Manila sa mo­derate risk para sa CO­VID-19 matapos magtala ng pagtaas sa daily average infections sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, nitong Huwebes na may average na 2,334 arawang kaso ang buong bansa mula Setyembre 22 hanggang 28. Mas mataas ito ng 2% kumpara sa nakalipas na linggo at 7% kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.

Nasa 13 na rin umano mula sa 17 lungsod at munisipalidad ng NCR ang nasa moderate risk sa ngayon.

“So ‘pag tinignan po natin unti-unting tumataas, NCR now is at moderate risk dahil 13 out of 17 ci­ties and lone municipality in NCR ay nasa moderate risk din ngayon,” saad ni Vergeire.

Sa kabila nito, lahat ng lugar sa bansa ay patuloy na mayroong hospitalization rates na mas mababa sa 50%.

“Meron lamang pong apat o lima na lugar sa NCR kung saan nakitaan natin na medyo merong pagkapuno ang kanilang mga hospitals sa kanilang ward,” ayon sa opisyal.

Nakipagpulong na rin umano sila sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon at mga hospital administrations sa NCR upang ilipat na ang mga mild at asymptomatic cases ng COVID-19 para mapaluwag ang mga pagamutan.

Ilan sa mga tinitingnan nilang mga dahilan nang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ay ang pagtaas ng mobility o kilos ng mga tao dahil sa pagbubukas ng mga paaralan, ang hindi pagpapabakuna, ang pagkabigong tumalima sa health protocols at ang mas maluwag na panuntunan sa pagsusuot ng face mask.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with