^

Police Metro

Budget ng OVP sa 2023, aprub agad

Gemma Garcia - Pang-masa
Budget ng OVP sa 2023, aprub agad
Nagpakuha ng larawan ang mga senador at si Vice President Sara Duterte na dumalo sa Senate Committee on Finance chaired by Senator Sonny Angara matapos na aprubahan agad ang P2.3 bilyon budget ng OVP sa taong 2023.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mabilis na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023.

Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sa pagsisimula pa lamang ng budget hearing ay agad na hiniling ni Zubiri sa mga kapwa senador na agad aprubahan ang budget ng OVP bilang kurtesiya na katulad ng ibinigay ng senado sa mga dating bise-presidente.

Bukod dito, tama rin lang umano ang hinihi­nging budget ni Duterte para sa ikabubuti ng taumbayan.

Para naman kay Senador Sonny Angara, chairman ng komite na tradisyon na mabilis na inaaprubahan ang budget ng OVP bilang respeto sa tanggapan at hindi lang dahil sa ang nakaupo ay si Duterte na masipag,  brilliant at maraming programa.

Hindi na inusisa pa ng mga administration senators ang panukalang budget ng OVP para mabilis ang talakayan at kaagad din na nagmosyon si Senador Bong Revilla na aprubahan na agad ito.

Isa naman umano sa proyekto ng OVP ay sa pagtukoy ng permanenteng tahanan para sa vice-president na nilalaanan na nila ng inisyal na P10 milyon kung saan kausap nila ang GSIS at isa sa minamataan nila ay ang Coconut Palace.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with