^

Police Metro

Bongbong Marcos dumating na sa bansa

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa anim na araw na working visit nito sa Estados Unidos.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 pasado alas-6:00 ng umaga si Marcos na nagpahayag ng kanyang mga napagtagumpayan at naging aktibidad sa kabuuan ng biyahe.

Naniniwala rin siya na makikita ng publiko ang magandang resulta ng pakikipagpulong nito sa mga malalaking negosyante sa Amerika na nagpahayag ng interes at intensiyon na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Ayon pa sa pangulo, positibo ang naging pakiki­pagpulong nito at ng kanyang economic managers sa business community sa Amerika at maganda aniya ang ­paningin nila sa Pilipinas.

Ibinida rin ni Marcos na apat na malalaking roundtable discussions ang dinaluhan nila ng kanyang delegasyon mula sa sektor ng pagnenegosyo at inilatag nila ang mga potensiyal na negosyong maaari nilang paglagakan ng puhunan sa Pilipinas.

Maliban dito, pinasalamatan din niya ang Filipino community sa New Jersey at ang pakikipagkita niya sa iba pang mga Pinoy sa naturang bansa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with