^

Police Metro

Paghahain ng COC sa BSKE binago, itinakda sa Oktubre 22-29

Danilo Garcia - Pang-masa
Paghahain ng COC sa BSKE binago, itinakda sa Oktubre 22-29
File photo shows certificate of candidacy.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Binago ng Commission on Elections (Comelec) ang iskedyul sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa isang binagong ka­lendaryo ng mga aktibidad para sa BSKE, inaprubahan ng poll body ang bagong petsa ng paghahain ng COC mula Oktubre 22 hanggang 29. Ito ay mula sa orihinal na iskedyul na Oktubre 6-13.

Ang mga kandidato na nais tumakbo sa anumang posisyon sa kanilang barangay o Sangguniang Kabataan ay maaaring maghain ng kanilang COC sa Office of the Election Officer (OEO) sa kanilang lungsod o munisipalidad.                                    

Binago rin ang iskedyul ng election period at gun ban na mag-uumpisa na ng Nobyembre 6 at magtatapos ng Disyembre 20. Ang “campaign period” naman ay uumpisahan na ng Nobyembre 25 at magtatapos ng Disyembre 3, 2022.  

Habang hindi pa ganap na naisasabatas ang suspensyon ng BSKE, nanatili naman ang eleksyon sa petsa ng Disyembre 5, 2022 na mag-uumpisa dakong alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon sa Comelec, ang pagbabago ng mga iskedyul ay dahil hindi nakapaloob sa bersyon ng panukalang batas ng Kongreso ang probisyon kung ano ang mangyayari sa mga COC na maihahain mula Oktubre 6-13, sakaling maging ganap na batas ito.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with