^

Police Metro

LTFRB bukas na sa bagong ‘fare matrix’

Angie dela Cruz - Pang-masa
LTFRB bukas na sa bagong âfare matrixâ
Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina on Thursday, June 9, 2022.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Bukas na ang pintuan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) para tumanggap ng mga request mula sa mga pampasaherong sasakyan na nais makakuha ng bagong fare matrix.

Ang fare matrix ay requirement ng LTFRB  na ipapaskil sa kanilang mga sasakyan para makasingil ng bagong pasahe sa mga pampasaherong jeep, taxi, AUVs at bus.                                                                 

Sa October 3 ay simula na ang pagpapatupad ng fare increase sa mga pampasaherong sasakyan kaya’t umaasa ang LTFRB na makakuha na ang mga ito ng fare matrix mula sa ahensiya.

Una nang  inanunsyo ng LTFRB ang pagtaas ng pamasahe sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Modern PUJ (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Transport Network Vehicle Service (TNVS) at Taxi.

Ang mga requirement sa pagkuha ng fare matrix sa LTFRB­ ay Latest Land Transportation Office (LTO) OR/CR, Franchise Verification, Kopya ng Provisional Authority­ para sa mga hindi pa nabibigyan ng desisyon ukol sa kanilang Certificate of Public Convenience at Official Receipt of Payment.

FARE

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with