Lalaki naputulan ng paa nang tumalon sa riles ng LRT-1

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang naputulan ng kanang paa nang magtangka uma­nong­ magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa train platform ng Light Rail Transit Line 1 (LRT) sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang­ si Georick John Labrador San Juan ng No. 1049 Central Street, Parada Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat, alas-4:45 ng madaling araw nang tuma­lon ang biktima sa northbound railway ng Monumento LRT Station sa harap ng paparating na train na may body number 1221 na minamaneho ni Silverio Ayat at patungo ng Balintawak Station.

Dahil dito, naputol ang kanang paa ng biktima nang ma-sideswipe ng tren na agad na isinugod ng rumespondeng Caloocan City Rescue Team ang bik­tima sa Jose Reyes Memo­rial and Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat siya sa Phi­lippine General Hospital (PGH) kung saan ito kasaluku­yang naka-confined sa Intensive Care Unit (ICU). Bahagyang natigil ang operasyon ng LRT Line 1 mula R. Papa Station hanggang Ba­lintawak Station at naibalik din, alas-6:20 ng umaga matapos makuha ni Nurse Joy Villados ng LifeLine 16911 ang naputol na paa ng biktima mula sa rail track.

Show comments